Wednesday, June 23, 2004
para sa king ina.mama salamat sa lahat ng mga alala at aral sa aking mama
nilisan mo man kami
sa puso ko ay mananatili
boses mo ay patuloy na madirinig
alay sa iyo ay pagibig
mukha mo ay di malilimot
sa tuwing ako ay papalaot
ang himig mo ay aawitin
pagibig sa iyo ay sasambitin
sige na ikay magpahinga
ipikit ang iyong mata
wag maglala
pagkat ikay malaya na
sa piling nila ikay magsaya
wag magalala
kami ay di mapapariwara
salamat sa iyo ako ay narito
iniluwal mo sa mundo
patawad sa aking nagawa
pinilit ko namang ikay mapasaya
salamat sa alala
pangako ito ay di mawawala
sige na ikay magpahinga
ipikit ang iyong mata wag magalala
pagkat ikay malaya na
aking ina minamahal kita
iyan ay di magiiba
sa iyong pagpanaw
pagibig ko sa iyo ay umaapaw
darating din ang araw
na tayo ay di na mawawalay
-
by disheartenedsoul @ 11:26 PM
