Monday, August 02, 2004
nais ko muling madinig
iyong tinig
sa saliw ng tipak ng gitara
sa bawat palo at hampas
ng tambol
pulso natin ay naglalaro
naalala nyo pa ba?
nuong tayo ay nagsimula
na makalikha ng musika
dibat kay saya ng pakiramdam
pag nakagawa ng kanta
melodiya ng isat isa
sadyang kakaiba
pag pinagsama sama
itoy gumaganda
pangarap nuon ay magalay
sa masa
ng isang kantang ating nilikha
tayo na at kumanta
pakinggan ating musika
pagkat itoy makatotoo
at itoy mananahan sa puko ko
patuloy na tutugtog
hanggang sa aking huling yugto
nais ko muling mabuo
mga pangarap na gumuho
at sa makasama kayo at makatugtog
nais ko lamang atin muling balikan
mga kantang ating pinagsaluhan
alam kong malabo
pero akoy nagsusumamo
na kahit sandali ay magkasundo
-
by disheartenedsoul @ 11:10 PM
